Nagkasagutan kami ni ama, may bagay kaming hindi napagkaintindihan. Hinila ko na lang yung plug ng computer at hindi na nashut down ng maayos. Pumunta ako sa kwarto at nagkulong. Umiiyak ako habang nakikipagusap sa Diyos, nagsusumbong, nagtatanong.
Yan ang mga huli kong natandaan na ginagawa ko, nakatulog pala ako. Sa sobra na den sigurong pagod sa eskwelahan.Narinig ko ang aking ringtone ng aking cellphone at tinignana ko ang oras, 11 napala, nakatulog na pala ako ng ilang oras. Nabasa ko den ang text ng kaklase ko. Text na nagpabagsak nanaman sa emosyon ko, “nuelits baka hindi na bilin”. Gusto ko na lang den umiyak muli, pero mata ko na ang sumusuko at tuyo.
Binebenta ko kasi ang cellphone ko, kailangan ko ng pera para sa babayarin sa school. Dalawa kasi yung ginagamit kong phone, ibebenta ko na lang yung isa dahil hindi ko naman nagagamit. Ngunit hindi alam ng magulang ko ang gagawin ko,alam kong hindi asila papayag. Hindi na den kasi ako humingi sakanila ng pera para sa kailangan kong bayaran, nahihiya na ako,bilang anak.Ang dami ko ng naging gastos, bilang ako ay isang nursing student. At saka Dahil alam kong wala silang maibibgay. Madudurog lang ang puso ko at mas madudurog ang puso nila, alam ko yun. Kakatapos lang kasi ng enrollan namin ni kapatid, at katapusan ng buwan ngayon, masyadong maraming babayrin para sumabay pa ako.
Eto at nawala ang antok ko. Kaya bumalik na lang ako sa pagcocomputer. 3 am nanaman ang tulog ko nito. Iniisip ko na deng hindi pumasok bukas, dahil iisa lang ang subject. Sa totoo lang hindi yun ang dahilan, alam ko sa sarili ko ang dahilan. Hindi na lang muna ako papasok kasi wala pa akong ipambabayad. Siguro’y didilihensya muna ako bukas. hahanap muli ng buyer ng cellphone. O kaya naman ay pupunta na lang sa bahay ng kaibigan.