Ayun, im back. Kung isa kayo sa napakonti kong follower sa twitter. Malamang sa pagkakaalam mnyo ay pumasok na ako.
Ang aga kong nagising at nageffort na gumayak, 5 am pa lang eh inaabala ko na si ama dito sa bahay. Deh ayun na bongga na, umalis ako ng 6 dito sa bahay papuntang terminal. Eh mariosep 1 hour na akong naghihintay eh hindi pa edn puno yung jeep at hindi pa tuloy makaalis. Dapat kasi puno yung jeep bago umalis, eh dahil sa linggo nga ngayon eh maumal ang pasahero kapag umaga. Mamaya mga 9 pa siguro ang peak ng mga pasahero.
At ayun na nga naisipan ko ng bumaba ng jeep at umuwi na lang. Hindi na ako papasok, dahil naiimbyerna na ako kahhintay. Nasayang na ang effort kong gumising at gumayak ng umaga. At isa pa rule kasi samin na hindi n papasukin ang mga late. At totoo yun dahil nasampolan na kami. An late ay consider ng absent. Eh kesa mag efort akong pumasok at mamasahe at gumastos pa. Eh eto nakauwi na ako, at nangako na lang ako sa sarili ko na magbabasa ako ngayon at magrereview ng mga previous major subject namin.
At hinalungkat ko na nga ang mga inaalikabok ko ng mga books. At uunahin ko ang anatomy na pang first year. Paalam na muna at seryoso talaga akong magbasa ngayon.