Lahat ata ng beki natanong na ng ibang tao ng ganito. Lalo na yung mga bagong kakilala mo palang. Alam na, ang gusto lang naman nila malaman kung alam ng pamilya mo sa bahay na isa kang bading. Nakakaloka lang minsan nakakasawa ng sagutin, nakakasawa ng magpaliwanag.
Bakit hindi nila sa ibang tao tanungin yan, kunwari sa mga.
- Alam ba sa bahay nyo na kriminal ka?
- alam ba sa bahay nyo na adik ka?
- Alam ba sa bahay nyo na pokpok ka?
- Alam ba sa bahay nyo na malandi ka?
- Alam ba sa bahay nyo na may asawa yung boyfriend mo?
- Alam ba sa bahay nyo na masama ang ugali mo?
Oh diba mas appropriate, mas bagay sakanila. At mas nakakaintriga yung isasagot nila. Hindi yung puro bakla ang pinagtatatatanong nyu nyan