Thursday, September 1, 2011
Sunday, August 28, 2011
Prayers to God
Tuesday, July 26, 2011
Kahit naman isa akong straight na bakla, eh meron pa den akong pusong tomboy.
Katulad ng mga to, eto yung mga iba sa mga gustong gusto ko talaga na kinakahumalingan ng mga lalaki. Magmula pa non gusto ko na talaga to. Pero syempre gusto ko gagawin kong pink lahat. CHOS.. L:DD
etong hummer truck na to pinakita ko to kay ama at ayun tuwang tuwa sya kasi eto yung gusto ko.
eto deng bigbike den na to. Syempre gusto ko eh bigbike kasi pag yung simpleng motor lang eh magmumuka akong malaki, atleast dito ako yung nagmumukang maliit
isa kasi sa mga pinagaakasyahan ko ng anda ay ang wrist watch
Etong haircut na to, pagkagraduate ko ipapagawa ko talaga to. Bawal kasi to sa department namin eh.
Chuck taylor ako forever. Tas etong design na to bet ko den, kaya lang hindi ko pa afford
At dahil ako ay isang paro parong walang pakpak, kaya ayan pinangarap ko na den talagang maging pilot. Tas gagawin ko na lang na pink yung uniform ,,chos.. :D
Alam ba sa bahay nyo na ganyan ka?
- Alam ba sa bahay nyo na kriminal ka?
- alam ba sa bahay nyo na adik ka?
- Alam ba sa bahay nyo na pokpok ka?
- Alam ba sa bahay nyo na malandi ka?
- Alam ba sa bahay nyo na may asawa yung boyfriend mo?
- Alam ba sa bahay nyo na masama ang ugali mo?
Sunday, July 10, 2011
DAKILA AKONG ABSINGERA
Ang aga kong nagising at nageffort na gumayak, 5 am pa lang eh inaabala ko na si ama dito sa bahay. Deh ayun na bongga na, umalis ako ng 6 dito sa bahay papuntang terminal. Eh mariosep 1 hour na akong naghihintay eh hindi pa edn puno yung jeep at hindi pa tuloy makaalis. Dapat kasi puno yung jeep bago umalis, eh dahil sa linggo nga ngayon eh maumal ang pasahero kapag umaga. Mamaya mga 9 pa siguro ang peak ng mga pasahero.
At ayun na nga naisipan ko ng bumaba ng jeep at umuwi na lang. Hindi na ako papasok, dahil naiimbyerna na ako kahhintay. Nasayang na ang effort kong gumising at gumayak ng umaga. At isa pa rule kasi samin na hindi n papasukin ang mga late. At totoo yun dahil nasampolan na kami. An late ay consider ng absent. Eh kesa mag efort akong pumasok at mamasahe at gumastos pa. Eh eto nakauwi na ako, at nangako na lang ako sa sarili ko na magbabasa ako ngayon at magrereview ng mga previous major subject namin.
At hinalungkat ko na nga ang mga inaalikabok ko ng mga books. At uunahin ko ang anatomy na pang first year. Paalam na muna at seryoso talaga akong magbasa ngayon.
Wednesday, July 6, 2011
ANG PANAGINIP NG ISANG BAKLA (2012 version)
Monday, July 4, 2011
NURSING STUDENT PO TAYO, ANO NA LANG BA YUNG TETE AT PEPE
Friday, July 1, 2011
Yan ang mga huli kong natandaan na ginagawa ko, nakatulog pala ako. Sa sobra na den sigurong pagod sa eskwelahan.Narinig ko ang aking ringtone ng aking cellphone at tinignana ko ang oras, 11 napala, nakatulog na pala ako ng ilang oras. Nabasa ko den ang text ng kaklase ko. Text na nagpabagsak nanaman sa emosyon ko, “nuelits baka hindi na bilin”. Gusto ko na lang den umiyak muli, pero mata ko na ang sumusuko at tuyo.
Binebenta ko kasi ang cellphone ko, kailangan ko ng pera para sa babayarin sa school. Dalawa kasi yung ginagamit kong phone, ibebenta ko na lang yung isa dahil hindi ko naman nagagamit. Ngunit hindi alam ng magulang ko ang gagawin ko,alam kong hindi asila papayag. Hindi na den kasi ako humingi sakanila ng pera para sa kailangan kong bayaran, nahihiya na ako,bilang anak.Ang dami ko ng naging gastos, bilang ako ay isang nursing student. At saka Dahil alam kong wala silang maibibgay. Madudurog lang ang puso ko at mas madudurog ang puso nila, alam ko yun. Kakatapos lang kasi ng enrollan namin ni kapatid, at katapusan ng buwan ngayon, masyadong maraming babayrin para sumabay pa ako.
Eto at nawala ang antok ko. Kaya bumalik na lang ako sa pagcocomputer. 3 am nanaman ang tulog ko nito. Iniisip ko na deng hindi pumasok bukas, dahil iisa lang ang subject. Sa totoo lang hindi yun ang dahilan, alam ko sa sarili ko ang dahilan. Hindi na lang muna ako papasok kasi wala pa akong ipambabayad. Siguro’y didilihensya muna ako bukas. hahanap muli ng buyer ng cellphone. O kaya naman ay pupunta na lang sa bahay ng kaibigan.

