Tuesday, June 28, 2011

PAGOD NA PAGOD NA AKO

Pagod na pagod na ako, pagod na ako kahit hindi naman ako tumatakbo, pagod na ako kahit nakahinto ako at hinaharap ang problema ko. Pagod na akong isipin ang mararamdaman ng magulang ko tuwing hihingi ako ng malaking halaga para sa sunod sunod na gastusin sa paaralan. Pagod na akong isaalang alang ang mararamdaman ng iba sa mga bagay na gagawin ko. Pagod na akong pagtakpan ang mga tagpitagpi ko ng kasinulingan. Pagod na akong magisip ng solusyon sa problema tuwong gabi. Pagod na akong magdasal at baka pagod na rin ang Diyos sa mga hinaing ko. Swerte na kung hindi ko maisip ang mga problema ko bago matulog, mangyayari lang yun dahil pagod na den ang katawang pisikal ko.

Gsuto ko ng sumuko, at pagod na den akong isipin kung paano ko sisimulan ang pagsuko. Pagod na akong isipin kung ano ang mararamdaman ng magulang at pamilya ko kapag sumuko ako. Pagod na den akong magkwento sa mga kaibigan ko tungkol sa problema ko. Pagod na akong mapanggap na parang wala akong problemang iniinda.Pagod na akong harapin ang mga problema

Alam kong mas maraming mas pagod sa akin. Alam kong pagod na den ang mga magulang ko kaiisip sa gastusin namin. Alam kong pagod na presidente kaiisip ng solusyon sa problema ng bansa. Alam kong pagod na ang mga magsasaka sa kanilang mga ginagawa. Alam kong pagod na aang mga kargador sa palengke. At mas pagod na sa buhay ang mga namamalimos sa lansangan.

Ang akin lang, hindi naman ako nakikipagsukatan ng pagod. Basta ang alam ko, pagod na pagod na ako. At naiisip ko ng sumuko dahil pagod n a talaga ako. Ngunit kong susuko ba ako at tatalikuran ang problema ko, makakapagpahinga kaya ako?

No comments: