Tuesday, June 28, 2011

ang aking konsensya

ganito kasi yan.. humingi akong medyo malaking pera kay ina para KUNWARI iba€bayad sa school. Pero ang totoo yung pera na yon ay gagamitin ko para sa escapade naming magkakabarkada sa beach somewhere in aurora province.
     Masama ba ako? bagya no?medyo?o OO? eeh kasi naman pag nagpaalam ako at nanghingi hindi ren naman ako papayagan.
     Eh eto na etong konsyensya ko, kasi kanina nung nagpaguit ako. Deh syempre medyo naghintay sa lounge kasi may nagpapagupit pa na iba. Sadyang madaldal yung receptionist at napagalamanan nya na sa school ko den sya nagaral nung sya ay college pa. At ang big revealed ay isa den syang nursing
Deh syempre usap usap kung gaano kahirap ang nursing at kagastos ang course na to. Tas bigla ko pang nalaman na sya ay isang working student .
     Deh ayun parang naisip ko naman etong taong to kinailangan nya pang magtrabaho para makapag aral tas samantalang ako nangungupit pa.umandar tuloy bigla ang konsensya ko..
   At eto pa. narnig ko ng tinawag yung pangalan ko. punta na ako usual routine pag magpapagupit, sashampoohi at lalagyan ng kung ano ano. Tas ayun tinanong nya den ako tungkol sa course ko.Ako naman eto sagot ng sagot. Tas ayun kesyo ang gastos nga daw ng course namen kaya pagbutihin namin kasi naghihirap daw ang magulang namen para sa mga  ginagastos namen.
     tama naman silang dalawa. At alam kong ako ang mali.
      Siguro pinadala sila ng anghel na nagbbantay sa akin para malaman ko at maitatak sa utak ko ang realidad ng buhay,,hait
pag konsensya ang umatake, basag ang mga katulad kong peste

No comments: