Kasasakay ko lang sa jeep, napakainit kahit umuulan, siksikan, ang bagal ng jeep at ang traffic. Dumaan nanaman kasi kami sa harap ng isang university, uwian na kaya masikip na ang mga kalsada. Sa bandang unahan malapit sa pinto ako nakasakay, bigla kong napatingin sa labas. Napako ang paningin ko, huminto ang sirkulasyon ng katawan ko, at bigla na lang akong napatingin. Naalala ko nanaman kung paano kiligin, yung kiligin hanggang sa nasasabunutan ko na pala yng kaibigan ko uwing magtetext sya. kung paano madepress, at matulala na lang pag hindi mo sya nakita ng isang araw. Exagerrated pero muntik na akong maiyak non, siguro sa saya, mga 1year ko na den kasi syang hindi nakikita. At nagflash back nanaman sa utak ko ang lahat ng kagagahan ko sa taong yun. Itago na lang natin sa sya pangalang Patricio.
First year college kami non, una ko syang nakita, tall, dark and handsome sabi nga nila. Crush sya ng campus kaya mahirap abutin. Hindi kami magkakaklase sa kinasamaang palad. At sa kinasamaang palad talaga magkasaliwa yung schedule namin, kasi mon-tue school sya at ako naman ay sa ospital, pag thu-fri vice versa naman. Kaya pag wednesday at saturday ko lang sya nasisilayan, sa NSTP. Kaya nga favorite na subject ko talaga NSTP, kahit nagdadam0 at sandamukal na community service kami non, kiber eh kung kapalit naman non ay makikita ko sya. Syempre magkakasama lahat ng freshman, naka-assign sya non sa tambakan ng basura, at napakalayo namin sakanya. Syempre pa ang utak ng beki ay gumana, hindi tadhana ang makakapigil sa akin na makita sya. Ugali ko noon na ipunin lahat ng kalat at damo na naipon ng mga classmate ko, kahit dalawang sako yun go p[a den, magpiprisinta ako na magtapon sa tambakan. Hihilahin ko ang bestfriend ko at tutulungan nya ako magpakabasurera.
One way pa makita ko sya, kapag wednesday, kahit sa 2nd floor lang yung room namin, awt aakyat pa ako ng 3rd floor dun ako iikot kasi dun sila nakaroom. Kahit saan din sya kumain ay hahaltakin ko lahat ng friendship ko para dun den kami kakain.
Kapag uwian namin ng nstp, susme andaming lumalabas, siksikan sa gatedahil sabay sabay nga kaing ididissmiss, pagnakita ko si patricio na nauna ng nakalabas. Sukdulang masaktan ko ang aking bestfriend dahil bigla ko syang hihilahin at makikipag siksikan kami para lang makalabas at makasbay sa jeep. Nung minsan hindi ko sya nahila dahil hindi ko kinaya ang siksikan ng mga zombies sa gate. Mayghad, para akong namatayan ng aso. Deh ayun pauwi na den kami ni bff, naunang bumaba si bff mas malapit kasi yung sakanila. Tas nung moment na ako na yung baba sa kanto ng aking apartment, nakayuko ako non habang naglalakad. May bigla akong narinig ng "hui" eh yempre ayun tingin naman ang betty queen. Tangna lang talaga, pagtingin ko si patricio nginitin ako at tinawag akong hui, masayang masaya na ako nun. Grabe muntik ng pumutok ang ugat ko sa puso sa lakas ng kabog. Muntik na den akong mag cartwheel papuntang apartment. First time nya akong mangitian as in yung ngiti na para sa akin talaga, leche lang. Ngpalod ako agad non at kahit hindi unli ay tumawag ako kay bff para lang maishare dahil kung hindi ay sasabog talaga ako.
ITUTULOY
marami pa tong chapter
- sinehan moment
- binugaw ko si friend sakanya
- candidate sya
- at ang pagtatapos imma broken-hearted gurl\
No comments:
Post a Comment