Wednesday, June 29, 2011
NAGMAMAHAL, ANDI'S MANAGER
Chos lang. Tungkol lang to sa issue kay andi eigenman. Ang akin lang, buntis sya, one thing to thank for, nagkataon lang na celebrity sya kaya oa sa pagrereact ang tao. Pero tumngin tayo sa realidad, buntis sya oh tapos?may bgo ba? hindi lang naman sya ang taong nabuntis ng walang asawa. Eh si mama marry nga nung nabuntis na virgin nagpaka OA ba nag mga tao sa pagrereact. Diba, kalinga ang kailangan nung tao, humihingi ng pagintindi yung nanay nya.Oh eh dahil hindi naman tayo close sakanya hindi natin mabibigay yung kalinga na gusto nya. Eh deh kung wala naman tayo maibibigay deh wala, hindi yung mga panghuhusga pa ang binibigay nyo. May isa akong post na nabasa kanina at kudos don..
REALITY: 21 NA SI ANDI. HINDI KATORSE MGA DRE.
———HEYIMELLA
manager nya kasi ako kaya ako nagrereact ng ganito, hahaha charot
Tuesday, June 28, 2011
PAGOD NA PAGOD NA AKO
Gsuto ko ng sumuko, at pagod na den akong isipin kung paano ko sisimulan ang pagsuko. Pagod na akong isipin kung ano ang mararamdaman ng magulang at pamilya ko kapag sumuko ako. Pagod na den akong magkwento sa mga kaibigan ko tungkol sa problema ko. Pagod na akong mapanggap na parang wala akong problemang iniinda.Pagod na akong harapin ang mga problema
Alam kong mas maraming mas pagod sa akin. Alam kong pagod na den ang mga magulang ko kaiisip sa gastusin namin. Alam kong pagod na presidente kaiisip ng solusyon sa problema ng bansa. Alam kong pagod na ang mga magsasaka sa kanilang mga ginagawa. Alam kong pagod na aang mga kargador sa palengke. At mas pagod na sa buhay ang mga namamalimos sa lansangan.
Ang akin lang, hindi naman ako nakikipagsukatan ng pagod. Basta ang alam ko, pagod na pagod na ako. At naiisip ko ng sumuko dahil pagod n a talaga ako. Ngunit kong susuko ba ako at tatalikuran ang problema ko, makakapagpahinga kaya ako?
mamang driver, milat ako :D
Magkakaroon ako ng car, itaga mo man sa marshmallows
Pag nagka-car ako, wish ko lang, pero oo magkakaroon ako itaga mo sa marshmallow. Tuturuan ko den magdrive yung mga kabarkada ko. Para naman may karelyebo ako kapag naglilibot na kami sa mga malalyong lugar na pangarap naming puntahan. Bigla ko lang ule sila naalala, pasukan na kasi eh, alam kong hindi nanaman kami magkikita at mag hahang out ng matagal. :C Nakakalungkot lang
RF: NAGDODOTA AKO DATI
MATAGAL KO NG GUSTO I-TRY YUNG MARIJUANA
MAGPAPALIWANAG
ITA-try ko lang naman, yung once lang talaga. Gusto ko lang mafeel yung nafifeel nila. Ui hindi ako adik ha, paracetamol at phenylpropanolamine lang drugs na madalas kong i-take. Hindi nga ako nagi-smoke eh, Pero im a chronic drinker haha pero manageable pa naman. Basta ayun gusto ko lang talga i-try. Pero ito seryoso gusto kong maging pusgher haha, magpapayaman lang ako tas ititigil ko na den. Alam to ng mga kaibigan ko at sinusuportahan nila ako , pero hindi den sila adik :D
at habang tinatype ko to, nagp-play yung rabiosa i shakira, at feel na feel ko ang pagiging latina.. O diba latinang pusher
MAHIRAP DIN TALAGA MAGING STUDENT
Nahihirapan na ako magaral. Buo ang na ang loob ko, sasabihin ko na bukas sa parents at kapatid ko na maghihinto na ako. Mag aartista na lang ako, mas mapapaganda ko ang buhay nila sa ganoong paraan. Alam kong mahirap den ang buhay artista ayun sa mga nakakatext kong artist ng star magic. Pero atleast masaya sila sa ginagawa nila. O kaya mag sasali na lang ako sa mga beauty pageant, beauty and brain lang naman ang labanam, tsss wa ako effort pag ganon.
Deh chos lang, nanaginip lang ako hahaha. OO, tama naman mahirap talaga ang buhay student, pero masaya. Masaya kasi unang una may baon. Yung mga kaibigan mo, isa mga factor kaya hindi ako sumusuko, at ang mga crush. At syempre pag natuto ka, ansarap kaya non. Saka for the future ekek nga naman.
ang aking konsensya
Eh eto na etong konsyensya ko, kasi kanina nung nagpaguit ako. Deh syempre medyo naghintay sa lounge kasi may nagpapagupit pa na iba. Sadyang madaldal yung receptionist at napagalamanan nya na sa school ko den sya nagaral nung sya ay college pa. At ang big revealed ay isa den syang nursing
Deh syempre usap usap kung gaano kahirap ang nursing at kagastos ang course na to. Tas bigla ko pang nalaman na sya ay isang
Deh ayun parang naisip ko naman etong taong to kinailangan nya pang magtrabaho para makapag aral tas samantalang ako nangungupit pa.umandar tuloy bigla ang konsensya ko..
At eto pa. narnig ko ng tinawag yung pangalan ko. punta na ako usual routine pag magpapagupit, sashampoohi at lalagyan ng kung ano ano. Tas ayun tinanong nya den ako tungkol sa course ko.Ako naman eto sagot ng sagot. Tas ayun kesyo ang gastos nga daw ng course namen kaya pagbutihin namin kasi naghihirap daw ang magulang namen para sa mga ginagastos namen.
tama naman silang dalawa. At alam kong ako ang mali.
Siguro pinadala sila ng anghel na nagbbantay sa akin para malaman ko at maitatak sa utak ko ang realidad ng buhay,,hait
pag konsensya ang umatake, basag ang mga katulad kong peste
MY FIRST AND LAST LOVE: A BEKI'S LOVE (TRUE STORY)
Kasasakay ko lang sa jeep, napakainit kahit umuulan, siksikan, ang bagal ng jeep at ang traffic. Dumaan nanaman kasi kami sa harap ng isang university, uwian na kaya masikip na ang mga kalsada. Sa bandang unahan malapit sa pinto ako nakasakay, bigla kong napatingin sa labas. Napako ang paningin ko, huminto ang sirkulasyon ng katawan ko, at bigla na lang akong napatingin. Naalala ko nanaman kung paano kiligin, yung kiligin hanggang sa nasasabunutan ko na pala yng kaibigan ko uwing magtetext sya. kung paano madepress, at matulala na lang pag hindi mo sya nakita ng isang araw. Exagerrated pero muntik na akong maiyak non, siguro sa saya, mga 1year ko na den kasi syang hindi nakikita. At nagflash back nanaman sa utak ko ang lahat ng kagagahan ko sa taong yun. Itago na lang natin sa sya pangalang Patricio.
First year college kami non, una ko syang nakita, tall, dark and handsome sabi nga nila. Crush sya ng campus kaya mahirap abutin. Hindi kami magkakaklase sa kinasamaang palad. At sa kinasamaang palad talaga magkasaliwa yung schedule namin, kasi mon-tue school sya at ako naman ay sa ospital, pag thu-fri vice versa naman. Kaya pag wednesday at saturday ko lang sya nasisilayan, sa NSTP. Kaya nga favorite na subject ko talaga NSTP, kahit nagdadam0 at sandamukal na community service kami non, kiber eh kung kapalit naman non ay makikita ko sya. Syempre magkakasama lahat ng freshman, naka-assign sya non sa tambakan ng basura, at napakalayo namin sakanya. Syempre pa ang utak ng beki ay gumana, hindi tadhana ang makakapigil sa akin na makita sya. Ugali ko noon na ipunin lahat ng kalat at damo na naipon ng mga classmate ko, kahit dalawang sako yun go p[a den, magpiprisinta ako na magtapon sa tambakan. Hihilahin ko ang bestfriend ko at tutulungan nya ako magpakabasurera.
One way pa makita ko sya, kapag wednesday, kahit sa 2nd floor lang yung room namin, awt aakyat pa ako ng 3rd floor dun ako iikot kasi dun sila nakaroom. Kahit saan din sya kumain ay hahaltakin ko lahat ng friendship ko para dun den kami kakain.
Kapag uwian namin ng nstp, susme andaming lumalabas, siksikan sa gatedahil sabay sabay nga kaing ididissmiss, pagnakita ko si patricio na nauna ng nakalabas. Sukdulang masaktan ko ang aking bestfriend dahil bigla ko syang hihilahin at makikipag siksikan kami para lang makalabas at makasbay sa jeep. Nung minsan hindi ko sya nahila dahil hindi ko kinaya ang siksikan ng mga zombies sa gate. Mayghad, para akong namatayan ng aso. Deh ayun pauwi na den kami ni bff, naunang bumaba si bff mas malapit kasi yung sakanila. Tas nung moment na ako na yung baba sa kanto ng aking apartment, nakayuko ako non habang naglalakad. May bigla akong narinig ng "hui" eh yempre ayun tingin naman ang betty queen. Tangna lang talaga, pagtingin ko si patricio nginitin ako at tinawag akong hui, masayang masaya na ako nun. Grabe muntik ng pumutok ang ugat ko sa puso sa lakas ng kabog. Muntik na den akong mag cartwheel papuntang apartment. First time nya akong mangitian as in yung ngiti na para sa akin talaga, leche lang. Ngpalod ako agad non at kahit hindi unli ay tumawag ako kay bff para lang maishare dahil kung hindi ay sasabog talaga ako.
ITUTULOY
marami pa tong chapter
- sinehan moment
- binugaw ko si friend sakanya
- candidate sya
- at ang pagtatapos imma broken-hearted gurl\