Wednesday, February 16, 2011

problemang four years in the making

Puno na ako, kailangan ko ng magbawas, kahit sa simpleng blog man lang mabawasan ko ng bagya. Actually hindi naman sya mababawasan, ewan ba?
        Four years na ang nakalipas, gumawa ako ng problema. At heto ngayon ko lang sya pinagdudusahan, ngayon ko lang sya balak ayusin. Ang hirap neto napakahirap ayusin, hindi ren naman sya basta pwede na langg na lang pansinin. Kasi darating at darating den yung panahon na malalaman sya. Ang pinakamasakit pa, masasaktan ang mga taong pinakamamahal ko pag nalaman nila to.
        This feeling sucks paksyet talaga. Wala akong masabihan, ala akong pwedng pagsabihan. Kasi kahit sa sarili ko hindi ko sya maiopen, hindi ko sya magawang isipin ng matagal sa utak ko. Kasi pagpinagtagal kong isipin mag oover heat ang utak ko. Kung pwede ko lang sabihin sa inyo, siguro baka malamang mababawasan ang bigat ng nararamdaman ko
        Ayokong isipin na kaya ako ngayon nagdudusa sa problemang to dahil andami kong mga masasayang wagas na bagay na naranasan. Anu to parusa, consequence sa mga binigay saking kasiyahan.
        Ang mahirap pa wala akong ibang masisi kundi ang tanging AKO lamang. Nagpakatanga kasi ako dati, kaya eto. Hinihila ako ng katangahan ko, bobo.
        Four years ago gumawa ako ng problema, at ngayon minumulto ako ng problemang hindi ko namamalayang napabayaan kong lumaki na pala.

No comments: